SOSYAL NA PROMDi
Siya ang perpektong anyo ng isang mapangarapin at mapaghangad na manunulat ng kanyang henerasyon. Kapos man sa imahinasyon.. Salat man sa wastong kaalaman at tamang pamamaraan ng pagpapasama-sama ng ensaktong titik at mga salita.. Nag-aalab naman sa pagkahayok na matuto. Nagsusulat siya nang naaayon sa bugso ng kanyang puso at dikta ng kanyang kaluluwa. Konsensya ang natatangi niyang agimat. Nagsusulat siya, hindi dahil sa kailangan bagkus nagsusulat siya, dahil gusto niya. Dahil sa mundo ng pagsusulat siya ganap na lumiligaya. Hindi niya iniintindi kung sa tingin niya'y hindi pa man buhay ang kanyang mga obra ay patay na sa paningin ng madla. Naniniwala siyang bukas pagdating ng araw bubuhayin din ito ng hambalos ng panahon. Kakampi niya ang kanyang pluma sa pagguhit ng kanyang nakatagong damdamin.

Si Rajan Mamadra. Kilala sa tawag na Ram. Bente dos. Tubong Mindanao. Pinanganak sa Sultan Kudarat. Lumaki sa Cotabato at namulat sa Maguindanao. Hindi isang "buraot" at kailanma'y hindi magiging "buraot". Nais niyang bigyang linaw na hindi "kasinggulo ng tao, kasing gulo ng mundo ang bayang kanyang pinakatatangi, ang bayan ng Mindanao na gaya ng inilarawan ni Ka-Freddie Aguilar sa isa sa kanyang mga kanta. Mabait siya. Tulog man o dilat. Chos!

Araw Ng Kalayaan Nga Ba?

Ilang minuto rin akong nasa ganoong posisyon, nakatingala. Manghang-mangha sa mga talang sadyang pagkakikinang na wari’y buong layang umiindak sa saliw ng tugtuging tanging sila lang ang nakakaalam.

Nakaramdam ako ng bahagyang pangangalay. Agad ay nagtungo sa sala para simulang lagukin ang kapeng kanina’y tinimpla ni nanay. Kasabay ng unang pagtongga’y, inagaw ng may kalakihang kalendaryong nakasabit sa pader ng kaliwang bahagi ng sala ang aking atensyon. June 12, Araw ng Kalayaan. Wala palang pasok bukas. Muntikan ko nang makalimutan. Rumihistro ang ngiti sa aking labi. Sunod ay napakamot ng ulo’t bumulong sa hangin “Putangina! Sign of aging na ba ito? Pati ang petsa ay nakakalimutan ko ?”

Ika-12 ng Hunyo. Natitiyak kong maraming natuwang estudyante. Maging ang iilang may pasok sa trabaho. Double pay ito. Ika-12 ng Hunyo, kung kalian “daw” nakalaya sa pagkakaalipin ang inang bayang Pilipinas sa mga nanakop na dayuhan. Di ko maiwasang mapakunot-noo. Ang Pilipinas, Malaya? Kailan pa?

Sino nga ba naman ang hindi kukunot ang noo? Sa ilang taon ko nang pumapasok sa eskwela, halos araw-araw ipinamumukha ng mga dinaanang guro na matatalinong tao daw ang nagsasalita ng ingles. Ibig sabihin lang nito, bobo ang hindi marunong. Naalala ko pa nga noong ako’y nasa elementarya, may multa sa tuwing magsasalita ka ng ibang lengwahe maliban sa ingles. Kaya karamihan sa kaklase ko’y halos magkapili-pilipit ang dila sa pagsasalita ng wikang banyaga. Buwis-buhay ika nga. Yung iilan naman, pinipiling manahimik na lamang. Pinapanis ang sariling laway kesa naman magmulta na pauso ni teacher. O nahihiyang magkamali sa wikang ingles. Subalit sa buong buhay ko’y wala pa akong narinig na nahiya o napahiya dahil hindi alam ang salinwika sa tagalog ng salitang “toothpaste” halimbawa.

Bakit nga kaya ganoon ang batayan nila? Kapag sariling wika lang ang bukod tanging alam na gamitin, sasabihing baduy, jologs, wa-class, hampaslupa, taga-bukid, at kung ano-ano pang pasaring. Maging sa pagkuha ng trabaho’y minamalas ang walang alam sa ingles. Kung itsura naman ang pag-uusapan, kawawang-kawawa si maitim. Sinuswerte si maputi. Nariyang tawaging negra, baluga, katulong, kirara, atbp si maitim. Alam iyan ni Nancy Binay. Kaya nga lahat na ata ng pampaputi, sinubukan ng ipahid sa balat ni Juan dela Cruz. Maputi daw kase ang mga kano.

Kailan kaya natin ganap na tatangkilin ang sariling atin? Na sa halip na si Superman, si Captain Barbel o si Malakas naman ang pilaan sa takilya. Na sa halip na Vans o Adidas, bakit hindi ang gawang Marikina? Na sa halip na LV at Hermes, yung sariling atin naman sana.

Araw ng Kalayaan, subalit sa aking pagsusuri’y, hindi pa ganap na nakalaya ang mga pinoy. Nakagapos pa rin tayo sa standard ng mga banyagang minsang umalipusta sa atin. Patuloy pa rin tayong nagpapagapi.

Oo, marahil wala na nga ang mga dayuhang mananakop sa ating isla pero tayong mga pinoy mismo ang pilit nagbabalik ng mga pilat, lapnos at galos ng kanilang paglapastangan sa ating pagka-Pilipino.

Lumabas akong muli ng bahay. Gaya kanina’y tumingala’t pinagmasdan ang kalawakan. Hay.. kay gandang tanawin ng mga bituing buong laying kumikislap. Sana ang Pilipinas ay tulad nila. Na buong layang umiindak sa saliw ng tugtuging hindi ang banyaga aang naglapat ng ritmo.

Tuesday, June 11, 2013

Tatay Na Ako!

Nagising akong may kabang nadarama na may halong paninigid ng init sa aking buong katawan. Sisilip pa lamang ako sa siwang ng aming bintana nang tumilaok ang tandang. Kakaiba ang tilaok nito sa karaniwan. Wari’y may mensaheng nais iparating. Aninag ko na ang papasilip pa lang na init ni Haring Araw. Mag-a-alas-sais, estima ko.

Nakapagtataka. Pag ganitong walang klase’y, hinahapon ako ng gising. Sa katunayan, kailangan pa akong gyerahin ni nanay bago ako tuluyang magising. Pero ngayong umagang ito, tila baga may isang bagabag na dumampi’t pumukaw sa aking mahimbing na pagkakatulog.

Bumaling ako sa aking cellphone na katabi ko sa aking pagtulog. Tsinek ko kung may mensaheng dumating. Meron nga. Si misis, nag-li-labor na daw. Nagbabangayang kaba, takot at excitement ang nadarama ko ng mga sandaling yaon. Mas nangibabaw ang takot nang maalala ko ang sabi ni nanay noon na pag nag-li-labor daw ang isang babae, ang isang paa nito’y nasa hukay na’t nailibing na ni kamatayan. Nangilabot ako sa ideyang iyon. Paano pag di kayanin ni Misis? Paano pag nanganib si baby? Paano pag hindi naging normal ang sanggol? Andami kong “paano.” Nakaka-paranoid.

Iniwan ko muna sa kanyang pamilya si Misis nang magsimula ang aking klase. Mas makabubuti iyon sa kanya dahil mas malapit lang sa hospital. Malayo sa kabihasnan ang lugar namin. May hospital man pero kulang sa kagamitan. Yung mga midwife nila, parang hindi pa mapagkakatiwalaan. Mas pagaling pa ata ako sa kanila sa pag-dissect sa palaka. Charot.

Maya-maya pa’y sumambulat sa akin ang sunod-sunod na napakalakas na katok ni nanay sa pinto ng aking kwarto.”Gumising ka diyan Ang asawa mo, manganganak na raw!” Batid ko sa boses ni nanay ang pagkabagabag. Yun pa e, best in hysterical iyon. Konteng bagay nga lang e OA na sa pagkataranta. Ngayon pa kayang magiging lola na ang hitad.

Gusto ko sanang pilosopohin, sasabihing “huli ka na sa balita, gurang” kaso’y di ko na magawang pumunchline. Seryoso ang kaganapan.

Nagmadali akong pumunta sa may balon namin para maligo. Bahagya akong nawala sa katinuan sa pagkataranta. Mas nauna ko ang paghuhubad ng damit bago ang magsalok ng tubig. Gardo Versosang nakalaylay ang burat ang drama ko habang kumukuha ng tubig sa balon. Buti na lang ay tulog pa ang mga kapitbahay. Yung shampoo, naipangsipilyo ko. Yung toothpaste naman, naipang-shampoo ko. Sa pagmamadali’y di ko na rin nagawang kiskisin man lang ang betlog at ang magkabilang kilikili ko. Bahala na kung mangamoy. Pasensiya na rin sa makikiamoy.

Halos dalawang oras pa ang kailangan kong ibyahe. Magmomotorsiklo lang sana ako subalit kasabay ng muntik ng pagkasira ng aking bait ay nasiraan din aking motoksiklo. Punyeta lang sa tayming kaya no choice, kailangan kong mag-commute.

Yun na ata ang pinakamahabang dalawang oras ng byahe ng buhay ko. Sa kalagitnaan ng byahe pa lang ay gustong gusto ko nang bumaba. Paano ba naman, iyong katabi ko’y pinanlilisikan ako ng mata marahil ay iba na ang amoy ko. Di ko na rin kase nagawang magtawas pa. Kung dala ko lang sana ang bato, kanina pa ako sumigaw ng Darna. Pero sabi nga nila, gaano man kalayo ang byahe, makararating ka rin sa iyong destinasyon.

Pagdating ko ng hospital, doon pa lamang nawala ang bagabag na ilang oras ko nang dinadala nang bumungad sa akin ang halos di ko na makilalang si Misis. Namayat sa halos bente kwatro oras na pag-li-labor. Dahi hindi natutulog ang nag-li-labor, nak-ere siya bente kwatro oras. Kahapon pa daw niya nararamdaman ang pangingilab ng tiyan. Di niya lang sinabi dahil ayon sa banal na kasulatan ng mga kasabihan ni Lola Basyang, hangga’t maaari ay bawal daw itong ipagsabi.

Para akong nagbagong-tao nang masilayan ko ang maamong mukha ni baby na animoy anghel. Nasa tagiliran siya ni Misis. Kalalabas lang daw bago pa man ako dumating. Naluluha ako pero pinilit kong pigilin. Awkward, andami kaseng nakapaligid na nurses. Naluluha ako sa pag-iisip na Malaki ang babayaran namin sa hospital. Juk onli.

Napakasarap sa pakiramdam. Biologically, tatay na ako. Ngayon ay nasa harapan ko na ang similyang mula sa aking bayag. Hawak-hawak ko na ang sanggol na minsa’y pinagpawisan ko sa pag-ayuda. Mahabang panahon kaming naghintay ni Misis. Sa wakas, dininig na ng Diyos ang gabi-gabi naming dalangin. Maipamumukha ko na rin sa mga hampaslupa naming kapitbahay na mali ang kanilang paratang na baog ako. Mga putangina nila. Heto nga’t nakabuo ako ng isang napakagandang  sanggol na babae. Ang galing ko! Congratulation sa aking sarili. Ang saya saya. Sa wakas talaga. Nakaligtas na si Misis sa siyam na buwang paniniktik ng mga tiktik!

Ayan lang muna sa ngayon para pa-mysterious epek baga si baby!

Saturday, June 8, 2013

Ito na talaga yung DB na hinihintay ko. Ang DB na magpapaangat ng antas ng literatura sa Pilipinas. Chos!

IANINTELLIGENT : Unang una po talaga, walang mapaglagyan ang aking kagalakan tuwing nagbabasa at nilalike ng isang rambisyoso ang aking mga post. Wala pong mapaglagyan ang aking saya, kaya kung sino man po ang nakakaalam ng twitter username ni lola basyang pakitweet naman po, pahiram kamo ng mahiwagang baol, yung mahiwagang bulsa sana ni doraemon, para magkasya lahat ng saya ko, bad news nagdeact siya. Haha
ayun na nga, kahit hindi ako DINESCRIBE BLOG ni kuya Ram, gagawin ko rin sa kanya ito. Kuya Ram, R U ReDy? E IANTILLEGENT KITA SA BAGANG, maiba naman (wala nalang pakialamananan sa ganyan)
PS: hindi po ako naghihintay ng kapalit, pero sayang naman po ang mga waiting area, waiting shed, kung hindi gagamitin, kaya humanda sila sa akin dahil after nito, tatambayan ko talaga sila haha tsarowt.
www.iamrambisyoso.tumblr.com
ayan po URL niya, idoL ko yan, i would Like to introduce to you my Mr. Bob Ong the Second my Idol (oha)
*sabog confetti, sindi fireworks*
*musiko at bandang hiniram ko kay mayor, pasuk* haha, sensya na po kung waley nikakabahan po talaga sa magiging resulta nito (feeling PGT finalist lang pala ang peg ko)
si kuya RAM po ang pinakahinahangaan kong blogger, wanna know why?
Dalaw na lang kayo sa blog niya, angtatamad ng mga taong to, pahihirapan pa ak0ng mag-explain, haha djuwk, kasi po sa oras na magbackread kayo sa blog niya, boom! Malamang sa malamang bagoong alamang magtayo na kayo ng fans club,
Pangalan lang niya ang alam ko, huhu,
RAM
hahahaha. Natawa ako bigla, panu kung pangayan niya ang ginamit na pinoy henyo word of the day sa eat bulaga, sigurado mahirap hulaan. Pwedeng tao, pwede ring hayop at pwedeng lugar at pwede ring pagkain. Haha
pwedeng tao. Diba hunk actor, si derick RAMsay, haha waley ba? Cgue si elizabeth RAMsay na lang, bahala ka haha.
Pwede ring pagkain, RAMbutan, pwedi ring bagay. Walang kukuntra, pwedeng bagay, an0 ba madalas hinihiRAM? Diba bagay,oha (matawa naman kayo parang awa nyo na)
eto pambawi sa kawaleyhan, RAM ay pwedeng lugar
*rampa, ikot, pose*
representing the capital of italy, RAM!! Hahaha, ako lang ata natatawa.
Nahiya na tuloy akong bigla, mukang wala na akong poging mukha na maiihaharap para kausapin siya. Haha
follow nyo na lang siya guiys, sigurado hahangaan nyo rin siya
panu ba yan kuya ram hanggang d2 na lang, bukod sa wala na akong maisip, wala na rin akong masabi. Salamat sa pag-íinspire mo saken at gusto ko lang malaman mo na anumang mangyari and2 lang ako pogi pa rin at hinding hindi mawawala ang tiwala ko sa sariling pogi ako. Whot.whot haha, basta pinapatawa ako ng mga post m0, yun lang pasensya na dito, hndi ko napaghandaan ng maayos, manalo matalo ikaw parin ang idol ko, kaya sa mga nanunuod just txt PGT space. Haha kemirot, nangangarap na naman ako, planu ko kasing sumali dun, at manalo kaso dahil sa dancer ako mukang kailangan ko munang mag-aral kumanta. Haha.
IAMRAMBISYOSO : Maraming Salamat talaga kaibigan! Penge ng red carpet, naiiyak ako. Sobrang lala!

Walang Habag

Layuan mo ako!

Umalis ka na, dyablong pasakit.

Dala mong langit, sa dulo’y may pait.

Ayoko sa iyo, wag ka nang mapilit.

Layuan mo ako!

Wag ilapit usok mong mapanlinlang.

Na siyang maghuhukay ng aking libingan.

Na siyang magkukulong sa akin sa rehas ng mga hibang.

Layuan mo ako!

Hindi ko matatanggap alok mong kaligayahan.

Ayokong malayo sa hardin ng katotohanan.

Di sisilip sa paraisong puno ng kasinungalingan.

Layuan mo ako! Kaluluwa ko’y di nanaising pagapi.

Hapong katawa’y di titikim ng iyong puting binhi.

Ayokong magmistulang putol na pisi.

Na nakakandong sa iyo sa araw at gabi.

Layuan mo ako!

Takot akong maging tulad nilang puno ng bagabag.

Na balisa’t mulat sa magdamag.

Layuan mo ako drogang walang habag!

Apat na Itlog

image

Hindi ko ganap na naintindihan kung anong akda tungkol sa isang kaibigan ang gusto mong ipagawa sa akin subalit sasagutin ko ang TA na ito sa ganitong paraan—- ipapakilala ko isa isa ang piling katangi-tangi kong kaibigan sa kasalukuyan. I-pu-push ko tong pagpapakilala sa kanila kahit wala naman atang interesado.

Tatlo sa aking mga ka-kolehiyo ang itinuturing kong pinakamahalagang kaibigan. Madrama mang ilahad, sa kanila ko natagpuan ang tunay na kahulugan ng salitang “pakikisama” at “pagmamahal ng tunay na kaibigan.” Ampota! Ang baduy ko!

Minsan, sa unang paghakbang ng apat na nilalang patungo sa kanilang pangarap ay pinagtagpu-tagpo sila ng pagkakataon. Apat na may iba-ibang personalidad. Apat na may magkakaibang pananaw ngunit nagkasabay sa daan patungo sa pangarap na maging isang tagahulma ng kabataan sa hinaharap. Apat na may sari-sariling prinsipyo’y nagkabigkis sa mithiing maging isang guro. Kilalanin sila. (Isagad na natin ang kabaduyang ito.)

image

Si Benharl Kahil, kilala sa tawag na Ben. BSED Major in Physical Science. Sa grupo, siya ang pinakamabagsik sa usaping numero at siyensya. Dahil sa kanya, naipasa namin ang bawat subject na may kaugnayan sa Matematika. Sa madaling sabi, matalino siya. Hindi siya maging salutatorian noong high school sa wala. Iskolar ng Bayan sa kolehiyo. Talentado ang batang ito. Maraming alam. Mahusay siyang kumanta plus mahusay ding mag-drawing. Sa katunayan, cartoonist siya ng aming school publication. Tagasalba rin pag may proyektong kailangang mag-drawing. Siya ang pinakamahina sa inuman. Alam naming lasing na kapag nagbibigay na ng iba’t ibang facts about science. ADIK SA DOTA.

image

Si Muhajireen Enog. Tawagin natin sa pangalang Dave, iyon ang gusto niya. Ibigay na natin ang hilig. Kumukuha ng Batsilyer ng Edukasyong Sekondarya at dahil wala ng ibang choice, nag-Major in Filipino si koya, tulad ko. Di nga naman kase pwedeng mag-Major in English, baka mapadali ang buhay niya. Di rin pwedeng Math, baka bigla siyang ma-comatos. Lalong di pwede sa Science, anong alam niya dun? Sabi ko nga, no choice ang gago. Pinakamaliit sa grupo kaya laging napaghihinalaang grade seven at hindi pa tuli. Walang talent. Nagpipilit lang na mag-drawing e heart lang naman ang kayang iguhit. Babaero. Marami ng babae ang nauto at nabiktima. Kurakot na SK Chairman. Nanlilibre naman pag may pera. Alam naming lasing na kapag nahuhulog na ang maluwag na pustiso. ADIK SA BABAE.

image

Si Joel Resada, walang nickname. BSED Major in English at wala akong ideya kung bakit. Tulad ni Ben, dakilang Iskolar din ng Bayan. Likas na matalino. Medyo hindi nga lang halata. Nagka-girlfriend ng summa cum laude. Siya na! Sa aming apat, palagay ko’y siya ang unang mamamatay. Siya kase ang pinakalulong sa alak at sigarilyo. Mahina sa inuman. Mahinang tumanggi sa inuman. Kung saan ang inuman, naroroon siya. Napakabagsik sa videoke. Die hard fan ng Air Supply at laging 100 ang iskor niya sa kantang Pusong Bato. Alam naming lasing na kapag nang-aagaw na ng mikropono kahit hindi naman sa kanya yung kanta. ADIK SA ALAK AT SIGARILYO.

         image

Last but not the least, si Rajan Mamadra AKA Ram. Batsilyer ng Edukasyong Sekondarya at nagpapakadalubhasa sa Wikang Filipino. Ang pinakamatanda sa grupo (Putangina!) I mean ang pinaka—gwapo.Maagang lumandi kaya maaga ring nagkapamilya. Tapat na asawa. Mabuting ama. Pitong taon na sa kolehiyo. Pangalawang kurso na niya kase ang nasa kasalukuyan. Mayaman sa punchline at nagki-claim na matalino kaya lider-lideran ang drama. Feeling manunulat! Halatang lasing kapag nagbibitaw na ng kung ano-anong kasabihan at korning banat. ADIK SA PORN AT PAGSUSULAT. 

Sila ang apat na Adan na magpapaangat sa antas ng edukasyon sa Pilipinas. Ang apat na nilalang na sa hinaharap ay hahawak ng chalk at class record at tatawaging “Sir.”

(Dapat lang talaga na ako lang iyong bukod tanging may matinong larawan sa tatlo. BWAHAHAHA!)

Palitan ko kaya ang password ko ng “incorrect.” Para kapag nakalimutan ko, sasabihin ng computer na “Your password is incorrect.” Charaught!

Anonymous:
Ano ibig sabihin ng DB kuya?

‘Pag may nabasa kang post na “Sino ang gustong magpa-DB?” Ibig sabihin nag-o-offer iyan ng libreng breastfeeding. Baka mabigat na dahil punong-puno na ng gatas ang joga kaya marapat lamang na i-donate. Pa-DB stands for Pa-Dede ng Bata. Charaught!

Seriousy, DB stands for Describe Blog. Lahat nasisilaw nito. Sino ba naman ang hindi? Lahat naman ata gustong maging paksa ang sarili. Aminin man natin yan o hindi. Sa DB, bukod sa ang iyong kakayahan sa pagba-Blog ang tatalakayin, naku! Instant promotion na rin ito. Kaya nga lahat nagkakandarapa sa DB e. lahat gusto ng atensyon. Tulad ko na hanggang ngayon e hinihintay pa rin yung na-negotiate ko ng taong mag-d-DB sa akin na hanggang ngayon ay wala pa rin. Parinig po ito! Tamaan sana yung isa jan na pasumpa-sumpa pa, paasa lang pala. Hmp!

Mabalik tayo dun sa ang DB ay nakakasilaw. Totoo ito. Isang patunay na kapag nag-post ka ng buwis-buhay na makabuluhang pang-SONA sa pagka-longpost e walang bilang ng notes ang darating. Pero try mong mag-post ng “Sinong gusto ng DB? First 10 to like, i-d-DB ko!” Panigurado mag-uunahan sa pag-la-like ang samahan ng attention-seekers. Kabilang na ako dun. Ganun tayo e.

Once again, DB stands for Describe Blog. Ay tinkyu!

MGA PAYO PARA MAGING GANAP NA MANUNULAT
Isang kaibigang tumblrista ang minsa’y humingi ng payo kung paano niya raw mapapabuti ang kanyang pagsusulat sa mas kawili-wiling paraan. Gaya ko’y gusto niya rin daw maging isang “writer” (Pramis, siya ang nagsabi nito.) subalit kadalasa’y tinatamad at nauubusan daw siya ng ideyang isusulat. (Lulong ata ‘to sa droga, at ako pa talaga ang napiling tanungin ng ganitong mga bagay. Para namang wala siyang mahihita sa akin.)
Sabi sa nabasa kong sipi—- “a writer writes.”
Hindi na natin kakailanganin ang tulong ni Mister Diksyunaryo para isalin ito sa ating sariling wika. “Ang manunulat ay nagsusulat.” Napakasimple di ba? Samakatuwid, ang sinumang anak ng Diyos na nagsusulat at patuloy na nagsusulat ay isang manunulat. Ibig sabihin, ang totoong manunulat ay walang pagod sa paglalarawan, paglalahad, pagsasalaysay, o dili kaya’y pangangatwiran sa mga paksa o ideyang gusto niyang iparating sa kinauukulan.
Marami ang manunulat subalit kung susuriing mabuti, iilan lang kaming linang ang kakayahan sa pagsusulat. (Naki-kami talaga ako!) Bago mo mapasok ang mundo ng isang tunay na manunulat, kailangan mo muna itong pagtrabahuan. Dadaan ka muna sa butas ng Dunkin Donut. Pero siyempre, sinumang indibidwal na literado ay pwedeng magsulat, pwedeng tawaging manunulat subalit kailangan muna niyang sundin ang ilang payo ng isang eksperto sa larangan na itago na lang natin sa pangalang Ram bago niya maako ang karapatang matawag na linang na manunulat.

1. Dapat alam mo kung para kanino ka nagsusulat.
Bukod sa dapat alam mo kung para kanino ka gumigising, alamin mo rin kung para kanino ka nagsusulat. Napakahalaga neto sa parte ng isang tumblrista o sinumang blogista. Dapat may tinutumbok kang grupo ng mambabasa o followers. Hindi ako naniniwalang nagsusulat ka, para lang sa iyong sarili. E kung ganun naman pala, nag-diary ka na lang sana sa isang kwaderno para hindi sayang sa kuryente. Iayon mo ang istilo ng iyong pagsusulat sa iyong mambabasa. Halimbawa, kung karamihan sa iyong followers ay kabataan, mga paksang pag-ibig at nakakalibog ang talakayin. Aktibo sila diyan. Mahalaga ang iyong mambabasa. Kumbaga sa negosyo, sila ang iyong customers. Para sa akin, ka-plastik-an ang mga katagang “I write to express, not to impress.” Utang na loob, lokohin niyo ang puwit ni Nicki Minaj, wag ako! Lahat gustong magpa-impress. Walang masama dun basta ba sa paraang tama, tapat at walang kinikilingan, serbisyong totoo lamang po. Excuse po!

2. Pumili ng isang kawili-wili at makabuluhang paksa.
Gaya ng usaping sex, isa pang usaping sex, at isa na namang usaping sex. Tandaan na hindi mo kailangang laging magpatawa para magbigay lugod sa mga mambabasa. Minsan daw kailangan mo lang mag-post ng litrato ng sariling pagmumukha. Patawa na iyon.
Dapat laging malinaw ang paksa. Hindi mo kailangang manghugot pa ng malalalim na salita sa balon ni Sadako para maging maganda ang iyong akda. Mas madaling intindihin, mas magiging makabuluhan.

3. Magbasa, magbasa at magbasa.
Hindi ka makapagsusulat kung hindi ka nagbabasa. Ang pagsusulat at pagbabasa ay hindi pwedeng paghiwalayin. Likas iyang magkasanib. Parang babae na binuo para makompleto ang lalaki. Binuo ang pagsusulat para sa pagbabasa. Bise-bersa. Ang 90 porsyento ng paksang naisusulat ng isang manunulat ay mula sa kanyang mga nabasa. At ang natitirang 10 porsyento ay mula sa kanyang obserbasyon at narinig. Kung susumahin, sandaang bahagdan, ang kabuuan ng isang akda. (Ang bright ko, na-total ko kaagad.) Samakatuwid, bilang isang manunulat, kinakailangan mong magbasa nang magbasa para mapalawak ang iyong impormasyon at lubos na makilala ang suliranin sa anumang paksa.

4. Huwag matakot magkamali.
Parang pag-ibig. Sabi nga, sumugal ka. Chos! Kung sakaling makatanggap ka ng puna na may mali sa iyong gramatika, relaks! Wag malugmok, hindi katapusan ng mundo. Nakausap ko si Jose Rizal, maging siya ay nagkamali rin. Natural lang naman iyan. Paki nila kung may mali sa iyong ginamit na salita? Hindi ka naman sasali sa Carlos Palanca Shit! Contest. Ang mahalaga, sa susunod mong akda ay maitatama mo na ang iyong naging kamalian. Yun naman ang dahilan ng pagkakamali e, ang may matutunan ka dito. Mag-aral sa gramatika. Magtanong sa mga nakakaalam kung kinakailangan.

5. Kakampi mo ang papel at bolpen.
Ugaliing laging may dalang pluma at papel, kailanman at saanman. Nang sa gayon anumang paksang naiisip mo—- ito man ay maiksing kataga, o maging salita lamang—- ay maisusulat mo agad-agad. May mga panahon kaseng nag-uunahan sa utak mo ang magagandang ideya na nais mong isatitik tapos bigla mo itong makakalimutan pag nakaharap ka na sa kompyuter. Masaklap yun. Dusa.
Matuto ng pagbubuod at pagbabalangkas. Makatutulong ito nang lubos.

6. Iplano nang maigi ang mga kaisipan.
Mula sa mga ideyang naibuod at naibalangkas sa iyong papel, buuin mo na ang paksang nais mong talakayin. Huwag dumiritso sa kompyuter. I-draft muna ito sa papel.

7. Pahinga muna saglit.
Ops! Di pa ito ang oras ng pag-ta-type sa kompyuter. Wag excited! Maglakad-lakad o magyosi muna sa kanto habang nagbibilang ng nagkakantutang aso. Ayon kase sa nabasa ko, mas okey daw na maipahinga’t ma-relax muna ang utak bago mo basahing muli at iwasto ang akdang naisulat mo.

8. Iwasto at ireseba.
Matapos mamahinga, balikan ang nagawang draft. Basahin nang napakalakas. Yung dinig ng buong barangay para impressive. Bigyang-diin ang estilo, kung may mga patawa kang nais isingit, e di go go power rangers! Basta ba para sa ikagaganda ng iyong akda. Suriin ding mabuti ang bawat baybay ng mga salita at ang bawat bantas nito. Pagandahin ang mga pangugusap at talata.

9. Kung feel mo okey na ang lahat, karaka-raka, i-type na sa kompyuter.
Ito na talaga iyong oras ng pag-ta-type. Maging maingat. Ang isa sa advantage ng pagbuo ng draft sa papel bago mo i-type sa kompyuter ay kadalasan may mga ideya ka pang naidaragdag habang nag-ta-type. Gaya ng pangwalong payo, magwasto at magresiba ulit. Tapos i-post mo na. presto, may akda ka na.

10. Wala na akong maisip.
Magdaragdag pa sana ako ng isa pa para sampu kaso di ko na mapiga pa ang aking utak. Kayo na ang bahala sa pangsampu.

Tandaan na hindi porke meron kang papel at bolpen o apol na kompyuter at mahilig ka nang magsulat e pasok ka na sa samahan naming may angking kakaibang kakayahan sa pagsusulat. Ang tunay na alagad ng literatura ay yaong mga manunulat na marunong pumili ng tamang paksa, nagpapahalaga sa mambabasa, walang pagod magbasa, nagkakamali pero naiwawasto ito, at hindi tamad magsulat.
Maligayang araw po at maligayang pagsusulat nice bloggers of the world!

Friday, June 7, 2013

Dear Sir,

Una sa sa lahat ay binabati kita ng Advance Happy Animal Day! Kumusta ang iyong bulok na bagang? Natanggap mo na ba ang ipinadala kong bomba sa iyong opisina? May good news at bad news nga pala ako sa’yo, Sir. Unahin natin yung good news para masaya—- may libre kang kabaong gift pack mula sa inyong pinakamalapit na puneralya. Ang bad news e mag-i-expire na ito ngayong buwan kaya paki-claim na lamang ito sa lalong madaling panahon kung hindi ka busy. Nasa terms and condition na dapat ikaw mismo ang gagamit nito dahil hindi transferable.

Sir, sumulat ako dahil gusto ko lamang mabigyang linaw kung bakit ang init-init ng ulo mo sa akin? May problema po ba? Mainit ba talaga ang ulo mo sa mga makikisig na lalaki? Kung oo, sabihin niyo sa akin ng walang pag-aalinlangan at maghihilamos ako ng muriatic acid. Nang sa ganun ay wala ka ng estudyanteng ka-i-insecure-an.

Natatandaan mo pa ba iyong unang encounter natin? Dinuro-duro mo ako nun at pinagsisigawan dahil lang sa mala-KPOP kong buhok na kulay ginto? Nakalimutan mo ata ang katagang “professionalism” ng sandaling iyon dahil lang sa istilo ng fashion ko na inaral ko pa sa Korea. Imposible ring allergic ka lang talaga sa KPOP dahil balita ko naman ay number one fan ka ni Sandara Park. Di ba nga’t sinunod naman kita? Labag man sa loob ko’y nagpagupit ako. Pinatina ko pa nga ang buhok ko ng itim para lang matupad ang iyong munting kahilingan bago ka man lang kunin ni Lord. Masamang masama ang loob ko nun, Sir. Paano ba naman e pinahiya mo ako sa kapwa ko kolehiyal/a. Nakalimutan mo bang magsasampung taon na ako sa kolehiyo saka mo pa pinakialaman ang hairstyle kong mas mahal pa sa swedo mo bilang isang guro. Masunurin akong tao kaya imbes na magreklamo’y sinunod ko ang ipinaghihimutok ng iyong babagtingang-tinig. Ano nga ba naman ang laban ko sa’yo? Teaher ka, isang hamak na estudyante lang ako. Ikaw na ang magaling! Ikaw na!

Natatandaan mo rin ba iyong pangalawang beses mo akong ipahiya sa harap ng madlang pipol? Sa gate iyon ng school Sir. Sir, kaya lang naman ako hindi nakapag-“good afternoon” sa iyo dahil sa maniwala ka’t sa hindi, hindi talaga kita nakita. Marahil ay dahil sa pagmamadali ko, mali-late na kase ako sa aking exam. Buti na lang hindi ako nahuli sa exam dahil hindi talaga ako nakapag-exam. Pinatawag mo kase ako sa iyong opisina habang nag-e-exam sa classroom ang aking mga kaklase. Bonggang sermon ang natanggap ko nun. Pati ata ang bagong Santo Papa ng Roma ay matutunaw sa hiya sa sobrang haba ng iyong sermon. Sinabon mo ako nang parang wala ng bukas. Paulit-ulit akong nag-explain na hindi kita nakita, yun nga naman talaga ang totoong nangyari. Paulit-ulit mo ring ipinamukha sa akin na napakabastos kong nilalang ng Diyos. Muntik na akong maiyak nun, Sir. Tumanda na ako sa pag-aaral pero first time ko lang masabon ng isang guro ng ganun kalala nang dahil lang sa hindi ako nakapag-“good afternoon sa’yo”. Bakit napaka-big deal naman ata nun sa’yo? Gusto mo bay lumuhod pa ako sa’yong harapan, tapos ay hahalik sa iyong paa sabay sabing “good morning..”? Diyos ka ba Sir? Ha? Diyos ka ba? Diyos ka ba?

Netong pasukan lang Sir, nahuli mo akong nag-cha-charge ng cellphone. Pota, halos manliit ako nun nang pinameywangan at pinanlisikan mo ako ng mata sabay sabing “Bunutin mo yan! Bunutin mo yan!” Ang sakit pala. Nakakapanghina. Para akong kumantot tapos nang malapit nang labasan ay saka naman ipapabunot. Pasensya po talaga Sir. Hindi ako na-inform na namumulubi na pala ang school at pati ang pag-cha-charge ay ipinagdadamot.

At nang hapon din ng araw na iyon, sinita mong muli ako dahil sa maling pag-pa-park ko ng sasakyan. Pasensya pong muli talaga Sir. Matagal na akong nag-pa-park ng sasakyan dun. Nagtataka lang ako kung ba’t nang hapon lang na iyon ako sinita? Sinadya mo bang talaga na i-timing na maraming new students sa paligid para mapahiya mo ako sa kanila Sir? Bagsik mo ring tumayming e. Congratulation! Nagtagumpay ka na naman. Hiyang-hiya ako. Naisip ko, kung ang lahat ng teacher ay katulad, marahil napakalungkot ng buhay-estudyante.

Sir, sabihin niyo po kung ano ang naging kasalanan ko? Maporma at mayaman lang po ako pero never po akong naging mayabang. Itanong mo man sa ibang gurong dinaanan ko. Bigyan naman sana ninyo ako ng pagkakataong makilala. Wag ninyo po akong husgaan. Hindi niyo po ako kilala dahil di naman kita naging guro kailanman. Nagkakasalubong lang tayo dahil iisa tayo ng pinapasukang paaralan. Hangga’t maaari sana ay ayaw talaga kitang makasalubong. Pero kahit anong iwas ko ay magkakasalubong at magkakasalubong talaga tayo sa ayaw at sa gusto natin dahil yun na nga, iisa lang tayo ng pinapasukan.

Pakiramdam ko ata nag-aasta kang ikaw ang may-ari ng school. E hindi naman ganun kataas ang ranko mo. Buti pa iyong presidente ng ating paaralan, napaka-down to earth.

Mabait ang Diyos. Buti na lang, wala akong subject sa’yo, kundi patay! Panigurado, ibabagsak mo ako kahit pa magpakatalino ako nang malala.

Salamat pa rin. Isa ka sa mga inspirasyon sa pagtupad ng pangarap kong maging guro sa hinaharap. Na kapag ako na ang nasa larangan, hinding hindi ako mag-aasta na gaya ng inaasta mo. Guro ako, ang misyon ko’y hindi ang bantayan ang bawat pagkakamali ng isang estudyante. May tamang paraan ng pagdidisiplina. Hinding hindi ko gagawin ang paraang alam mo. Lagi kong natatandaan na minsa’y naging estudyante rin ako. Ito lang ang mensaheng nais kong iparating sa’yo Sir—- FUCK YOU AND YOUR ANCESTORS!

PS: Siyanga pala Sir, wag mo akong mapagbibintangan kung sakaling Makita ninyo iyong nakaguhit na lapida na may nakasulat na buong pangalan ninyo sa CR. Hindi po ako ang nagsulat nun. Mamatay man lahat ng iyong kuko sa paa.

Nagmamal,

Ang iyong hindi-masyadong-paboritong-estudyante

Monday, May 27, 2013
Confirmed, may self-proclaimed tagahanga na po ako, sa maniwala kayo’t sa hindi.

Maraming salamat ha. Pag mga ganitong bagay brad, sabi nga ni Vice Ganda “Wag nang magpatumpik-tumpik, Boom Karakaraka! i-post na kaagad. Makatutulong to sa aking career.

Pramis, qouta na ako sa mensaheng ito, tsaka nakakaluha kaya yang litrato sa baba na nakasaludo ang mga tao. Eport maghanap niyan sa google ha. Pakiramdam ko tuloy ibuburol ako. Ako na talaga. Aylabu pare!

Hindi ito bilang ganti, pero gusto kitang i-promote. Kase sa edad mong iyan, may alam ka na sa pagsusulat? Nung ako ang nasa edad na ganyan, pagtitikol lang sa sulok ang alam ko. Kaya very good.

Guys follow niyo po ito—- www.medyomabaet.tumblr.com

Mabait na bata yan. Madaling utuin. Chos.

Next page